Science H.S. nilooban ng mga genius

I find this funny...

Science H.S. nilooban ng mga genius

HINIHINALANG mga genius ang nanloob sa Manila Science High School dahil sa ang ninakaw ay mga physics at science books na nagkakahalaga lahat ng P16,000.

Ayon kay Supt. Rogelio Rosales, MPD Station 5 commander, ang nakawan ay naganap sa pagitan ng 8 a.m. at 3 p.m. Lunes sa Taft Ave. corner Padre Faura St., Ermita, Manila.

Ayon sa imbestigasyon, nadiskubre ni Ferdinand Bautista, officer-in-charge ng MSHS Science department, na nakabukas ang pintuan ng Science Training Room sa 2nd floor. Agad nilang nalaman na ninakaw ang limang physics books, isang organic chemistry book, limang Fundamentals of Physics na libro at anim na Biology books. Ang lahat ay nagkakahalaga ng P16,000.

Ninakaw din ang dalawang Samsung flat computer na nagkakahalaga ng P30,000.

Inimbestigahan kaagad ang insidente ng Scene of the Crime Office (SOCO) personnel sa ilalim ni Chief Insp. Mary Grace Alvarez. Kumuha na rin sila ng fingerprints sa naturang lugar.

Sinusuri na rin ng mga awtoridad ang anggulong inside job.


Source: Journal Online

Seja o primeiro a comentar

Post a Comment

Latest in Deus Ex M*%$#@!

Give some alms to a poor, jobless human being?

Zeno's Paradox © 2008. Template by Dicas Blogger.

TOPO